Friday, November 10, 2017
Renegade Farm ni Rene Adao
Ang farm ni Rene Adao
ay matatagpuan sa San Luis, Batangas. Ang pinaka-foundation line niya ay ang
manok na tinatawag niya na ‘Renegade’ o ang kanyang Kelso. Iniinfuse niya ito
sa iba pa niyang bloodline gaya ng Sweater, Kelso, Grey at iba pa. Nasa 150
lang ang bilang ng kanyang mga manok. Mas importante kasi sa kanya ang quality
kaysa quantity. Saka isa pa, nagpapabalik-balik siya sa Amerika kaya’t ‘di niya
magawang magparama pa ng manok. Bukod sa farm sa Batangas ay may satellite farm
din siya sa Tanay, Rizal kung saan ay ka-partner niya ang ilan sa kanyang mga
kaibigan.
Nakilala siya nang
husto sa kanilang lugar dahil nasasaksihan ng mga sabungero roon kung paano
lumaro ang kanyang mga manok. Sumikat din siya nang makalaban niya si Patrick
Antonio, tinalo niya ito sa pusta na 550 thousand pesos.
Pero hindi lang sa
Batangas nakilala si Mr. Adao kundi pati na rin sa buong bansa. Ito ay matapos
niyang masungkit ang kampeonato sa World Slasher Cup noong 2014.
Halina’t silipin natin
ang farm ni Mr. Adao…
Subscribe to:
Post Comments
(
Atom
)
No comments :
Post a Comment