Wednesday, August 13, 2014
World Gamefowl Expo, ang saya-saya!
Ang World Gamefowl Expo ay taunang isinasagawa , layunin ng event na ito na pagkaisahin ang mga gamefowl enthusiast, hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin ang mga dayuhan. Ito ay inuorganisa ng World Exco, sa pakikipagtulungan ng PitGames Media Inc. at ng mga sponsor. Taong 2010 nang unang isagawa ang expo sa World Trade Center, Pasay City.
Taun-taon
ay palaki nang palaki ang expo. Isinasagawa ito sa loob ng tatlong araw. Noong
una ay lagpas kalahating espasyo lang ang inukopa nito. Subali’t lumawak ito
nang mga sumunod na taon hanggang sa ukopahin na nito ang buong WTC. Nagkaroon
pa nga ito ng version sa Cebu noong 2013. Noon namang January 2014, sinabayan
pa nila ito ng World Pigeon Expo. Kagaya ng sa manok ay naging matagumpay din ang
expo ng kalapati. Ibig lang sabihin ay suportado talaga ito ng mga magmamanok.
Kapag nasa expo ka ay ramdam mo na talaga namang napakalaki ng gamefowl
industry sa Pilipinas. Wala kang suka’t kabigin ‘ika nga.
Ang maganda
sa expo, ito ang panahon kung saan nagkakasama-sama ang iba’t iba’t mga
kumpanya para i-showcase ang kanilang mga produkto at serbisyo. Mapamalaki o
maliit na kumpanya ay nabibigyan ng pagkakataon na makapag-promote. ‘Di naman
nagkakaroon ng sapawan sa kanila dahil lahat sila ay dinudumog ng mga tao. Sa kani-kaniyang mga gimik na lang
siguro sila nagkakatalo. Nagsasagawa
sila ng seminar na talaga namang kapupulutan ng maraming kaalaman. Mayroon din silang
mga pa-raffle ng manok at may mga palaro. Meron pa silang mga show sa stage
kaya’t mai-entertain ka talaga. Andiyan pa ang mga naggagandahan nilang mga
model na marahil ay magiging laman ng iyong panaginip. Pero guys, behave lang
kapag nagpapa-picture at huwag masyadong dumikit at umakbay para ‘di mahalatang
medyo gigil ka na sa kanilang beuties, hehe.
Siyempre,
panahon rin ang expo para makita mo ang iyong mga idol na mga kilalang breeder
gaya nina Biboy Enriquez, Jimmy Mariquit, Art Lopez, Mayor Juancho Aguirre at
iba pa. Sa pagkakataong ito, ‘di muna kailangang pumunta pa sa kanilang farm
dahil dinala na nila ang kanilang manok sa World Trade Center. Bukod sa
makakabili ka na ng kanilang manok, makakapagpa-picture ka pa sa kanila ‘di
kaya’y magpa-authograph. Pero hindi lang mga popular breeders ang nandirito
kundi meron ding mga aspiring breeders. Magaganda rin ang kanilang mga manok
kaya’t puwede mo ring subukan.
Sabi nga ng mga nakadalo na sa Expo, hindi lang taunan gawin
ang expo. Kung maaari ay gawin nila ito ng dalawang beses sa loob ng isang taon
o higit pa. Pero hindi naman ganun kadali itong gawin dahil mahabang panahon
ang ginagawa nila ritong paghahanda. Bagama’t matagal ang paghihintay ay
siguradong sulit naman. ‘Di po ba mga kasabong?
Subscribe to:
Post Comments
(
Atom
)
No comments :
Post a Comment